USER'S LOGIN

Janette P. Calimag

ABSTRAK

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang talakayin ang migrasyon ng mga Ilokano sa Tabuk. Siniyasat  ang mga dahilan ng  migrasyon, mga suliraning kanilang hinarap sa pamumuhay sa bagong bayan, mga paraang kanilang ginawa upang mapagtagumpayan ang mga hamong ito, mga integrasyonistikong proseso ng mga Ilokano sa mga Kalinga sa Tabuk at ang mga kontribusyon ng mga Ilokano sa lipunan ng Tabuk. Dalawampu (20) na migranteng Ilokano na may edad limampu (50) pataas at permanenteng residente ng Tabuk ang nagbigay ng pangunahing impormasyon. Pakikipanayam ang pangunahing metodo. Gumamit din ng pamamaraang pagtatanong-tanong; interview guide ang naging batayan ng mga tanong na ginamit habang notetaking ang aksyon ng mananaliksik. Sinuportahan ito ng tape recorder at nakatulong din ang mga aklat at artikulo upang maipaliwanag ang mga resulta. Lumabas sa resulta ng pag-aaral na ang paghahanap ng lupang masasaka sa Tabuk, ang pangangalakal, paghahanap ng trabaho, pagtupad sa tungkulin o propesyon, kagustuhang makaalis sa lugar na tinitirhan at pagpapalaganap ng Salita ng Diyos ang mga pangunahing dahilan ng kanilang pagdayo sa Tabuk. Samantala, hindi naging madali ang kanilang pamumuhay sa nasabing bayan dahil nakaranas sila ng suliraning pinansyal, suliranin sa pagpapatupad ng bodong, pananakot ng mga Kalinga dahil sa pulitika, pangangamkam ng lupain, suliraning pangkalusugan, suliranin dahil sa mga awayan ng mga tribo, at pagkakaiba sa paniniwala at relihiyon. Gayunpaman, nagtagumpay pa rin ang mga Ilokano na malampasan ang mga hamong ito. Ilan sa nakatulong sa kanila ay ang paghingi ng tulong sa mga kamag-anak at kaibigan, pagkapit sa pagsasaka bilang pagkakakitaan, pagpapahalaga sa edukasyon, pagkatuto na manindigan, pagkapit sa pananalig sa Diyos, pakikiisa sa mga organisasyon at pagkakaroon ng positibong pananaw. Naging bahagi din ng integrasyonistikong proseso ng mga Ilokano ang pakikisalamuha sa mga tao, paggamit ng wika sa pakikipag-ugnayan, pagbabahagi ng mga bagay na mayroon sila, pag-aaral sa mga pagkaing Kalinga  at pagrespeto sa kultura ng Kalinga. Sa pagdayo ng mga Ilokano ay nagkaroon ng mga kontribusyon tulad ng pagpapalago ng mga lupain sa, pagpapaunlad ng ekonomiya , pakikibahagi sa politika, at iba pa.

Susing Salita: Pannakimaysa, migrasyon, Ilocano, pakikipanayam, Tabuk, Kalinga

Online Users

We have 88 guests and no members online

KSU Conference on LANGUAGES, HISTORIES, AND CULTURES