Luzviminda M. Wingnga
ABSTRAK
Ang pananaliksik na ito ay naisagawa sa pamamagitan ng paglikom ng mga akdang pampanitikan at pagsalinsa Filipino mula sa dayalektong Ga’dang. Ang mga akdang pampanitikan ay sinuri at tinukoy ang mga paniniwala, kaugalian at pagpapahalaga na mahahango mula sa mga ito. Ang mga sumusunod ay tinugunan ng pananaliksik: (1) Anu-ano ang mga akdang pampanitikan ng mga katutubong Ga’dang; at (2) Anu-ano ang mga masisinag na paniniwala, kaugalian at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng mga katutubong Ga’dang.
Ang mananaliksik ay gumamit ng “Historical method” sa pagsagawa ng pag-aaral. Ang talatanungan at pakikipanayam ay ginamit na instrument sa paglikom ng mga datos. Ang mga nalikom na datos ay higit na napatibay sa mga larawan, pagmamasid at tuwirang pakikipamuhay sapagkat ang mananaliksik ay naninirahan sa lokasyon ng pag-aaral.
Ang mga katutubong Ga’dang ay mayaman sa mga akdang pampanitikan tulad ng kuwentong bayan, alamat .
- Ang mga katutubong Ga’dang ay may mga akdang pampanitikan na nagpasalin-salin sa paraang pasalita.
- Ang mga paniniwala, kaugalian at pagpapahalaga ay matutunghayan sakanilang mga akdang pampanitikan. Sa kanilang kuwentong bayan ay maaaninagang simple o payak na pamumuhay, pagmamalasakit, pagtutulungan at paggalang sa karapatan ng kababaihan. Ang kanilang alamat ay kakikitaan ng pagpapahalaga sa likas na yaman ng kagubatan at ang paggalang sa lahat ng nilalang ng Diyos.
Mga Susing Termino: Pagsusuring pagpapahalaga, akdang pampanitikan, katutubong Ga’dang